Lunes, Nobyembre 16, 2015

I Like Odd Numbers


Belong, My Love

Before I knew I was falling for you
I couldn't even utter the words "belong" and "my love"
For I thought my heart would never belong to someone
even I know I am sentient enough to love

I am my own flame
I burn with my own flare
I will always become whole and ash
and whole and then ash over and over again
On my own
All alone

I thought solitude was best for me
That even I have fallen for anyone
I knew at the end of the day...
I would always be a "no one"

I pursue business and writing
arts and mumbling
I thought my purpose
is to only rescue myself from depression
I thought my purpose is to
only connect with and be inspired by younger generation

Now,

My love, 
I don't say Iloveyou with just void
I don't say your name without meaning in my voice
Your attention; I wanted to rob
I need you to feel all my love

My love,
You look at me as if my purpose is to keep breathing
So we can keep kissing and trusting
And giving and proving
Our worth
Our rights
Our life

Not just mine, but ours

My love,
I stare at you like how I look at the ocean
Mesmerized and frightened
I am an amateur diver you have captivated
I didn't want to be touched by your waves before
But now I am either in you
Or sleeping at your shore
I won't get tired of swimming and floating...
Coz I know you're worth the drowning

My love, 
I stare at you like you're a universe 
That your chromosomes are galaxies
Perfected your jawline and nerves
Their purpose is to pull me into your gravity
That I fall and fall for you every day
The longer I stare the happier I am
inside your nebula and milky way
Forgive me for being cliche
But the moment your eyes look at me
My constellations try to arrange themselves
Then form your whole name inside me 

My love, 
I am not ashamed that I am now like this
And I am staying
I am staying and will keep on loving
I am an epitome of a thousand-year old star
No matter how pathetic and far 
I don't care if people judge me
when I admit
that your universe is enough
to love this hard
That life is worth it
That life with you is worth it
That we are worth it

Belong;
I never thought I would ever believe
that a wrecked soul like mine
would ever feel belonged
to such beautiful soul,
your soul

I wanted so bad to belong to you, my love.

There! For you... I just said those words a lot!
Please, ignore me not!

Miyerkules, Nobyembre 11, 2015

Martes, Nobyembre 10, 2015

Sabado, Nobyembre 7, 2015

Ang Mga Kalawakan Natin

May nakapagsabi sa akin
na ang katawan nating mga tao
ay maaaring binubuo ng mga gabok
at alikabok ng universe.

Naiisip ko tuloy na
may konstelasyon tayo
sa ating mga nerves.

Buo na kaya ang mga pattern
nito sa loob natin o kailangan
pa natin ng isa pang sangsinukob
para magkakone-konekta sila't
magkaroon ng mas magandang kabuluhan?

Kung ako ang tatanungin,
'yan gusto kong paniwalaan.

Nananalaytay sa ating DNA ang stardust
- 'Yung sumabog tuwing paglikha
para magkabuhay ang kawalan - 
At tayo ang hantungan.
Tayong mga tao ang hangganan.

Kaya sa pagsapit ng gabi,
t'wing napapatingala ako,
napapaisip na ang lahat ng nagkikislapang pinagmamasdan ay
ang mga totoong ninuno't pinagmulan natin.

Naisip ko tuloy na ang kaluluwa
ay maaaring kasing kulay ng nebula sa galaksiya.

At hindi makakaila na ang kaluluwa mo
ang pinakamagarang nebula na aking pinapantasya.
Gusto kong malunod sa dagat ng iyong kalawakan. 

Masarap daw kausap ang buwan kung mag-isa
pero nakakalimutan ko ang lahat ng palamuti
sa kalangitan kapag ikaw ang kahuntahan.

Hindi ko alam ang orbit ng mundo ko
kapag nandiyan ka...
huminto ba?
bumibilis ba
na tulad nitong kabog sa dibdib ko?

O abnormal ang gravity dahil hindi ko alam
kung may matinong free falling pa ba
o nagflo-floating na lang ako?
Tangina, ano?
Never mind.
Sa bagay, sa Physics, palpak ako.


Alam mong maraming bituin
ang kinatutuwaan sa himpapawid lalo't kapag madilim.
Lahat ng nanonood sa kalangitan ay nangangarap
at kung ano-ano ang mga  hinihiling.
Sila'y ganoon mahumaling.

Habang ang lahat ay nasasabik makakita ng bulalakaw.
Wala akong ibang hangad kundi ang senaryong
kapag nahulog ako na parang falling star,
ang sasalo sa akin ay ikaw.

Ikaw
na hindi ko akalaing kokonekta sa aking sangsinukob.

Ikaw
na noon ay hindi ko naman napapansin...

pero ngayon,

Ikaw lang
ang gusto kong sa akin ay lumambing.

Kaya habang ang sangkatauhan ay nagsta-stargazing,
ako ay sa universe mo mag-aabang.
Tititig akong madalas sa iyong
dalawang natatanging talang kumikinang.

Dahil kung
Ikaw
ay isang meteor shower,
ang mga mata mong iyan ang
pinakamaliwanag na bituin!

Ikaw ang papangarapin.

Sa'yo ako hihiling...

Mahal,
maaari bang magsanib
ang mga kalawakan natin?

Linggo, Setyembre 27, 2015

Lunes, Agosto 3, 2015

Mga Punyetang Lobo



Gusto kong bumalik sa nakaraan.
Sana pwedeng bisitahin ang noon.
Kung ang kahapon lang ay mahahalikan,
Huhulmahin ko siya para iba kami ngayon.

Sa araw-araw na pagmumura sa akin ng kalawakan,
Batid ang mga bagay na dapat ko raw ginugunita.
Paulit-ulit ako nitong dinuduro, sinusupalpalan
Ng hakang nasa huli ang pagsisisi, dapat akong magdusa.

Kaya ang mga wari't nararamdamang ito
Parang bagay na 'di pumiglas, kaso ay nabitawan
Hiraya ko'y sila ay mga punyetang lobo,
Pinanonood na lilipad-lipad sa kawalan, iniiyakan.

Biyernes, Hulyo 31, 2015

'Yung Disconnection Notice At Closure Po

"Sawang-sawa na ako sa mga kapalpakan mo… ko… nating dalawa. Paano naman ako magmo-move on kung wala akong choice at sa’yo lang ako aasa?"


...


May mga taong halos tatlong buwan o mahigit pa ang hindi nagpaparamdam sa’yo pero hindi mo pa rin puputulin ang koneksyon nila sa’yo. May lakas at oras ka pa rin para sa kanila. May gana ka pang pagsilibihan sila.


May mga taong mumura-murahin ka sa telepono dahil sa mga madalas na panggagago mo. Pero pinakikinggan mo pa rin sila’t magpapakatangang makipag-ayos sa kanila.


May mga taong tuwang-tuwang lokohin ka.  Nagpapanggap na katuwang mo pero ang totoo, sila’y mga ganid na gumagamit ng iba, nakikiapid sa iba, at inaabuso ang pagtitiwala mo.


Ako ‘yung tipong nagbibigay ng panahon para makapagbigay sa’yo ng oras, ni minsan ay hindi ako naging manhid sa’yo dahil pagdating ng kagipitan ay inihahabol ko ang mga natitira ko pang lakas para lang tayo ay magpang-abot.


Wala akong maalala na nakapagbitaw ako ng mga masasakit na salita sa’yo kapag kausap kita! Ni hindi nga ako makapag-‘tangina mo’ sa’yo kahit na alam ng lahat ng tao na kalimitan, iyon lang ang salitang nasa aking bokabularyo.


Hindi ko alam kung ako lang ‘to o talagang gusto mong sinisira ang araw ko. Tipong bigla kang magwawala o magloloko lalo’t sa mga oras na ako ay may mga importanteng trabaho. Bigla ka pang nawawala sa mga panahong ikaw ay kinakailangan ko.


Oo, madalas mo akong winawasak (pati ang mga gamit at appliances ko) pero may magagawa ba ako? Hindi ako tulad ng mga ganid mong mahal na may mga karumaldumal na ginagawa para makawala sa’yo! Hihintayin pa rin kita at sa kabila ng sobrang kaaduwaan ko ay umaasa pa rin ako sa’yo. Sa’yo lang!


Hindi ko alam kung bakit wala ka man lang paalam bago mo putulin ang ating koneksyon. Wala akong natanggap na message mula sa'yo! O kung mayroon man, kumatok ka man lang sana sa aking pinto at sinimangutan ako bago sinabing “Dinedma mo ako?! Pwes! Puputulin ko na ang ugnayan natin!”. Sana man lang ay may closure! Sana man lang, alam ko at handa ako na sa aking paggising ay wala na ang liwanag ng buhay… at bahay ko!


Bakit sa kabila ng lahat-lahat, wala kang konsiderasyon? Bakit sa dami-dami ng mga traydor, ako ang sinaktan mo?

Gusto mo pa ay manikluhod akong magmakaawa. Inasahan mo pang harangin ko at halos magpakasagasa sa sasakyan mo para lang ayusin natin ang away.


Sawang-sawa na ako sa mga kapalpakan mo… ko… nating dalawa.Paano naman ako magmo-move on kung wala akong choice at sa’yo lang ako aasa?


Pakawalan mo na ako! Pakiusap? Matinong koneksyon ang gusto ko!


Tanginang 'yan! Kailan kaya ako pwede magpakabit sa Meralco?!

Martes, Hulyo 28, 2015

Mahal Kong Dagat

Kung itatanong mo sa akin
na paano ako nahulog sa'yo
kung hindi naman kita tipo...

ito ang sasabihin ko:

Ayoko talaga sa dagat, sa karagatan, sa lawa, sa pasipiko
Sa ilog daw pero parang tinitirahan naman ng mga pating at mga serpento
O basta 'yung parang lumalamon ng tao!
At sa kahit na anong lugar na nagkakaroon ng taeb o kati
O kaya'y maaaring magkasunami


Ayoko sa tubig na malalalim,
Malalawak at may mga along malalaki.

Ayokong madala, malunod, maging api.
Uhmmm, mali.
Takot pala akong madala, malunod, maging api.

Pero hindi dahil sa 'di maganda
ang unang impresyon sa isang bagay 
ay wala na 'tong pag-asa na makitaan
ng halina't hayahay.

Nang mayaya ako sa gitna ng kawalan,
Sa isang uri ng malawak na katubigan,
Naramdaman ko ang sarap ng palutang-lutang.

Kaya nagpaiwan pa nga sa gitna.
Tinitigan ang ganda.
Sinipat, pinilit tanawin
ang animo'y walang hangganang hiwaga.

Ipinagdiwang ang alat na nalalasahan ng bibig.
Napanganga sa mga nakitang sikretong yamang-tubig.
Hindi ikakaila, walang dudang napa-ibig.

Nang malaman ko't natagpuan ang angkin nitong kariktan.
'Yung hindi nakikita kundi nararamdaman,
naging sabik na sabik pa ako sa pagdating ng kinabukasan.

Naghanda at naging mas masigasig 
para sa pagtambay sa dalampasigan;
para sa alon, maliliit man o malalaki;
para hintayin kung low-tide o high-tide na tiyak pareho kong magugustuhan;
para lumangoy at ang sumisid ay masubukan.

Oo, para sa akin, ang dagat ay mahirap magustuhan
Pero dahil ito na nga't ako'y tinamaan,
Ito na nga at nahiwagaan,
kakayanin kong makipagsapalaran.

Hayaan nawa akong ito'y galugarin nang akin pang hangaan. 


... Hindi nga kita tipo.
Ako man ay nahirapang ika'y magustuhan.
Ang dahilan na iyan ay hindi sapat
Para hindi kita mahalin, aking dagat.

Sabado, Hulyo 25, 2015

Para Sa Mga Taong Aduwa Sa Resting-Bitch-Face Ko

"Bakit ba lagi kang nakasimangot?
Bakit lagi kang haggard?
Bakit parang pasan ang mundo?
Bakit lagi kang galit?
Sinong na-murder mo?
Ngumiti ka naman."

Sorry.
Ganito talaga ako.
Poker face.
Contentedly suffering from chronic resting-bitch-face.

Sorry.
Mukhang laging masakit ang ulo ko.
Hindi "parang" pero feeling ko...
Feeling ko talaga minsan, lagi kong pasan ang mundo
At huwag mong basagin ang trip ko kung 'yun ang feeling ko.

Sorry.
Namimili ako ng taong magpapa-ngiti sa akin.
Ilan lang ang may kapangyarihang patawanin ako.
Nauutas lang ako sa mga bagay na deserving halakhakan.

Sorry.
Mas marami ang bilang ng mga taong gusto kong simangutan.

Sorry.
Isa ka sa kanila.

Sorry
Kung nakita mo ang selfie kong todo smile pa ako
Pero kanina ay todo asshole mode ako sa'yo 

Sorry
Mukha ba akong papatay?
Pwede rin, 'pag 'di mo ako nilubayan.

Sorry.
Pero hindi ko utang na loob sa'yo ang ngumiti.

Sorry.
Pangit ako eh.

Sorry
Pero
Not sorry po.

Huwebes, Hunyo 25, 2015

'Di Ga'y Gusto Mo Ng Para Sa'Yo? 'O, Ito!

...

Kung iniisip mo na nakasulat ako
Ng tula o ng isang maikling kuwento
Tungkol sa'yo,
Hugot sa'yo,
Para sa'yo...
Ito ang aaminin ko: HINDI PA!
KAYA ITO ANG UNA
AT ANG HULI!
Kaya basahin mo ito nang mabuti.
Huwag mong uulit-ulitin ang mga paborito kong linya sa mga isinulat ko noon
Dahil hindi ikaw ang tinutukoy ko roon.
Huwag kang mangarap na dahil lamang isa akong manunulat
ay gagamitin na kitang paksa agad-agad.
(Ay! Ito na nga at natupad na pala ang iyong hangad!)
Huwag kang mangulit kung aling pyesa o tula
na ang epekto ay sa'yo nagmula.
Maliban dito!
Dahil ito ang sa'yo!
Ito na ang 'yong gusto!
Huwag mong isipin na hinahanap-hanap ko
ang mga pabibo't mga effort mo.
Huwag mong uulitin ang 'yong panunuyo
dahil hindi sa ganyan lumalaglag ang panty ko.
Huwag mong sabihing ako'y pinapangarap mo pa
dahil matagal na kitang hindi pinapaasa.
Huwag mo na rin akong susuyuin at kukulitin
'di ako nahuhulog kaya wala kang sasaluhin.
Pwede bang bago ka maging kampante't asumero
Na may inilalathala akong para sa'yo...
Huwag mo nang ipagkalandakan
Ang iyong kamangmangan
Dahil lalo lang akong nasusura.
Ugh. Ito tuloy ay basura.

Linggo, Hunyo 21, 2015

Hindi

Noong araw na nagpasya kang pumili,
iyon din ang araw na nasabi ko sa sarili...
na hindi na...
hindi na kita dapat minimithi. 

Nang mamutawi sa mga labi mo na hindi mo ako kayang panindigan,
pakiramdam ko'y nanginig ang aking kalamnan,
nanghina ang aking buong katawan. 

Sinilip ko ang bintana ng iyong kaluluwa,
at ang ngiti nito'y hindi ako ang dahilan
kaya nagpanggap na lang akong natuwa.

Itinago ko ang sakit pero sinabi kong ako'y naaduwa.
Kaya ginawan ko na lang ng mga biro at paraan
para kunwari ay kaya ko na lang gawing pampatawa.

Halata ko ngang masaya ka at mukhang kuntento.
At ako'y isa lamang hamak na kahit wala, ikaw pa rin ay kumpleto.

Halata ko nga... dahil nakalimutan mo nang gabi-gabi tayong may mga kwento. 
At lahat ng mga nabulalas kong pumapag-ibig  sa'yo ay hindi mga imbento!

Kaya naman...

Noong nagkausap tayo't nagkamustahan...
Nagmukmok ako't sinabing hindi masaya ang laging maiwan.
Ngunit bigla mo akong pinigilan at sinabi mong hindi... hindi ka naiwan...
mahilig ka lang magpaiwan.

Nagpaiwan?

Ito ang salitang sa akin ay gumulantang.
Ibig mo bang sabihin, may pag-asa pa kung hindi lang kita binitawan?
Na mahal mo rin ako kahit na mayroon ka ng piniling iba na siya ngayo'y kasintahan?
Na dapat lang kitang abangan?
Na hindi dapat kita iniwasan?
Na ako'y mahalaga at balak mo pa ring balik-balikan?!

Ngunit gusto ko sana sa'yo iparating...
na kahit hinding-hindi ka na magiging akin,
kahit na mas pipiliin kong ako'y iyong palayain... 

Pangako, habangbuhay ako sa'yo ay may pagtingin.

Pero... kasi...

Noong araw na nagpasya kang pumili,
iyon din ang araw na nasabi ko sa sarili na hindi na...
hindi na kita dapat minimithi.

Ang sakit aminin.
Ang sakit gawin.

Pero hindi na... hindi na kita minimithi.

Biyernes, Abril 24, 2015

Miyerkules, Marso 4, 2015

Mga Linya Ng Pagkatao

Sa totoo lang…
Walang kwenta ang buhay
Pero naniniwala ako na
Kapag walang kang pinaninindigan
Hinding-hindi ka magugulumihanan
At pinaniniwalaan
Mo lamang ay 'yung mga gusto mong paniwalaan
Ang makuntento
Sa buhay na puro kasiyahan,
Na mamuhay para sa sarili lamang ay
ang minimithi-mithi kong kalayaan
Ang pinakamalungkot
Sa tiyak at pinakamasklap sa lahat
Na magagawa mo sa buhay
Ay ang marunong kang makialam sa iyong ginagalawan
Ang tunay na kaligayahan
Ay ang maging maganda ang kaanyuan dahil ang kabutihan naman
Ay hindi makikita ng mga mata
Kaginhawaan at karangyaan
Ito ay nararamdaman at
Tanging matatamasa ng mga angat dito kalupaan
Nagmumula sa puso lamang
Ay walang iba kundi kahunghangan
At laging tandaan, ang tao na
Walang ginagawang makabuluhan at
Walang dinadaanang mga pagsubok ay
Napakaimposible na sila pa
Ang magiging pinakamahirap na tao sa mundo.

(Basahing muli ngunit tanging ang mga naka-italics at bold lamang.)

Nalalagas Ang Pagsulong


Iginapos

Inilayo
Sa mundong 'di areglado

Itinali

Ikinulong
Ika nila'y sumusulong

Kinimkim

Piniringan
Ito at ito lang ang dapat saulo

Walang tinig

Walang himig
Ayos lang basta't 'di sintunado

'Wag iimik

'Wag gagalaw
Mas mabuting hindi tumatanda

Pusong mamon

Umaalab
Sabi'y lumalagablab

Magarang pakpak

Pang-hawla
Sabi'y 'di pwedeng lumipad

Naninimdim Sila

Hindi mapahihinto ang oras
Hindi mapipigilan ang paglipas

Hindi maibabalik ang dati
Hindi maloloko ang tadhana

Ang pagtanda ay nakatakda
Ang paglimot ay sadya

Kami'y naging alaala na lamang
Napagsawaan at iniwan

Kami'y mistulang pampaganda
Panregalo't panghambog na lamang

Nasa isang tabi't kinatutuwaan
Pinupuri ngunit 'di pinakikinabangan

Linggo, Pebrero 22, 2015

Feeling Unicorn

Minsan... iniisip ko pa rin 'yung mga tanong o comment o feedback (by words or by priceless reactions) kapag sinasabi kong ako ay Kinsey-3-Gay (mas sikat sa word na "bisexual").

Natutuwa tuloy akong mag-comeback with interrogative sentences.


"HINDI HALATA." - Paano ba kami ini-stereotype ng society? Kailangan ba may statement-shirt kami?


"ANG GANDA MO NAMAN PARA MAGING BI." - Kailangan pangit para maging gay? 


"BAKIT? GALIT KA SA LALAKI?" - Nasaan ang "man-hater" sa word na "bisexual"?


"NAKAILANG GIRLFRIEND KA NA?" - Kailangan ng karelasyon para patunayan ang gender? Hindi mo ba itatanong kung nakailang boyfriend na ako?


"SINO'NG LALAKI KAPAG NAKIPAG-DATE KA SA BABAE?" - 'Di ko rin alam. Siguro kung sino 'yung may penis?


"BAKIT MO SINASABI 'YAN? ALAM BA NG PARENTS MO?" - Kailangan ng parents' consent?!


"PAANO MAKIPAG-SEX SA KAPWA BABAE?" - Alam mo 'yung Google? Alam mo 'yung porn? Alam mo 'yung privacy?


...


Pero may isang pariralang sumubok sa katatagan ko.


"HINDI AKO NANINIWALA SA BISEXUALS."


Hindi ako handang sagutin ang ganoong kataga. Hindi naman talaga kailangan ng sagot dahil hindi ito tanong. Pero kailangan ng comeback, for me! Siya pa lang ang tahasang nakapagsabi niyan sa akin. Yes, first time encounter. Natigilan ako at nautal-utal. Hindi siya naniniwala sa akin! 'Yun na rin 'yung tanong ko sa kanya... "Hindi ka naniniwala sa akin?!". Hanggang doon na lang ako. Wala naman akong kailangang patunayan. Kung maniwala man siya o hindi, hindi ko priority ang magpatunay. Parang religion ang gender-preference na iyan... it shouldn't be shoved down to someone's throat. You cannot always change one's perceptions.


Pero nalungkot ako dahil hanggang ngayon, feeling ko unicorn pa rin ako, kaming mga kinsey-3-gay sa ibang tao. Isang myth para sa iba tulad ni Santa Claus, ng awesome-almighty-above, ng tadhana!


Tapos, siguro para mapawi 'yung pagka-devastated ko, sabi niya...

"Hindi. Naniniwala na ako. Unfair lang talaga kayo. You get the best of both worlds."

Teehee!

Biyernes, Pebrero 13, 2015

Not Funny, Universe.

Makulimlim kanina.  Expected ko nang uulan.  Sobrang na-excite ako dahil gusto ko nang medyo schmaltzy atmosphere ngayon.  Alam kong papatak na ang mga ulang nagsitago sa madidilim at mabibigat na ulap.  As in, kinikilig ako dahil alam kong matagal nang hindi nababasa ng tubig-ulan ang magabok na kalsada at ang mga halaman namin sa labas.

Pero pagkatapos kong sambitin ang "Kahit kaunti at saglit lang. Sana talaga umulan na!"... saka unti-unting lumiwanag.  Sumikat ang palubog nang araw. Punyeta lang. Biglang umurong ang ulan.  Nawala ang mga ulap na tila iiyak na.  Sa halip na ang lumuha ay ang  kalangitan, ako yata ang halos napaluha.

Kaya lumabas ako't pumunta somewhere-somewhere para may gawing something-something.  At sa pag-uwi ko, saka biglang umambon habang naglalakad sa gitna ng kalsada.  Wala akong dalang payong o kahit na ano para maipandong.  Punyeta na naman. So, kung kailan nasa labas ako na hindi humihiling, hindi prepared at hindi naghihintay, ni-hindi sumagi sa utak ang umasa saka ako bibiglain?! Tssss... Universe joked once again.

Anyway, sabi nila ganyan talaga ang buhay.  Kung kailan hindi mo aasahan, saka ka gugulantangin.  Ganun talaga eh.

Huwebes, Pebrero 12, 2015

Paper Cuts

Wala namang ibang nakakaalam ng paper cuts sa kamay ko.
Tadtad lang naman ng mga punyetang paper cuts ang mga
daliri ko, kasama na rin ang palad ko.
Tingin ko pa ay medyo serious 'to.
Wala.
Walang nakakapansin, nakakakita, nakikiramay!

Hindi ko alam na sa kaharutan kong maglandi ng doodles
sa mga papel ay ganito ang aabutin ko.
Aba, malay ko ba!
Basta.
Basta ang alam ko ay masaya ako sa ginagawa ko!

Pero pagkatapos kong gumawa ng mga obra maestra
sa mga papel at mag-alcohol ng buong kamay...
humiyaw ako nang sobrang lakas.
Sobra.
Sobrang hapdi, sakit, kumirot-kirot pa sila!

Halos maiyak pa ako't magmukhang tanga.
Lagi ko na lang inaalala ang mga ito every time na may hahawakan ako,
o maghuhugas ako o may gagawin akong mga bagay-bagay
na nangangailangan ng mga kamay.
Bwisit.
Bwisit na bwisit ako dahil naaapektuhan ang normal na pamumuhay!

Hindi ito malalaman ng iba kung hindi ko sasabihin.
Wala silang pake as long as wala akong imik.
Kung wala pa ring pake ang iba na sinabihan ko,
may mga either sobrang maaawa
or iju-judge nila ako nang sukdulan.
Grabe.
Grabe kung tangahin ako dahil sa paper cuts!

Ngunit tulad ng mga dating paper cuts,
alam kong maghihilom din ang mga ito.
I-broadcast ko man o hindi, alam kong magkakapeklat ako.
Lintik.
Lintik kasi sa pagkalala itong mga paper cuts na 'to!

Sa una lang mahirap kasi sariwa pa ang mga maliliit na sugat.
Pero habang tumatagal ay biglang masasanay sa hapdi.
Hanggang sa hindi mamamalayang mga bakas at marka na lang sila.
Hindi.
Hindi pa rin ganung kapansin-pansin dahil
hindi ko naman lagi ipinapahalata na may paper cuts ako!

Kung may macu-curious, e'di sasabihin ko ang kwento.
Kung maaawa sila, tatanggapin ko ang awa.
Kung tatangahin ako, tatanggapin kong makitid ang utak ng kausap.
Paper cuts.
Paper cuts ito at hindi ito basta-bastang sugat!

Miyerkules, Pebrero 11, 2015

3000 KELVINS



Hindi Kami Bati






Limbo

(This is a short creepy story. I just thought of this while I was trying to compose a good tweet. I don't exactly know why I end up writing an eerie crap. Maybe because it's February 13 this Friday?)

I was talking to a 5-year old gal and then suddenly, I asked her about fairy tales.

"I like Peter Pan!" she said.

"Oooh. Neverland. Cute kids. The thimble!" I said with a self-satisfied smirk. I was trying so hard to give references.

"Oh! It's about limbo!" she shouted, excitedly.

I paused for a moment, laughed nervously and asked her "What do you know about limbo?"

And then she just looked at me very slowly, stared at me and didn't say a thing... with a freaking blank poker face. Not even smiling!

All I could say in my mind was "What. The. Fuck."

Linggo, Pebrero 8, 2015

Just Some Random Midnight Epiphany

My penchant for pragmatic shits is as strong as my proclivity
for nonsensical convo.

Like lurking on Facebook then ending up on 9GAG.

From reading a book to endlessly tweeting its quotes.

Being on a smart blog then find self scrolling through Tumblr.

I do not regret this flaw, imperfection of my humanity.

I do not care if I find my grounded side ends up at the mad part.

These defects make "me"!

And that's what I love about the universe.

It tries its hardest to destroy the humdrum and surprise earthlings to the utmost (yes, whether we like it or not).

But one may choose to complain or simply cherish it.

I cherish it, treasure it since it gives me superb feels and maybe, at the same time, it weirds the fuck out of me but... I'm passionate about being weirded out.  I live with that! 

This is why I will never make an effort to be with anything and/or anyone that is trying to devastate this principle and this sort of life-philosophy.

I dig anything and/or anyone that can make pragmatic shits and nonsensicalness into some awesome mash-up.

And that makes that anything/anyone more special and dear to me.